dzme1530.ph

Ricci Rivero, itinanggi na ginamit lamang niya si Andrea Brillantes para sumikat

Pinabulaanan ng basketball player na si Ricci Rivero ang isyu na umano’y ginamit lamang niya ang ex-girlfriend at actress na si Andrea Brillantes para sumikat

Ayon kay Ricci, may niluluto sanang proyekto para sa kanila ng ex-girlfriend ngunit tinanggihan niya ito dahil ayaw niyang magkaroon ng koneksyon ang trabaho sa kanyang personal na relasyon.

Hindi rin aniya totoo na mayroong “gay boyfriend” ang basketbolista at iginiit na ‘straight’ siya at may malaking respeto sa mga miyembro ng LGBTQIA+ community.

Itinanggi rin ni Ricci na naging thrid party ng relasyon nila ni Andrea ang beauty queen at konsehala na si Leren Mae Bautista at hindi aniya sa kanya ang babaeng nakita ni Andrea sa loob ng kanyang condo kundi sa kanyang ‘friend’. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author