dzme1530.ph

Reyes, pinabulaanan ang “case-fixing” allegations sa missing sabungero case

Loading

Mariing pinabulaanan ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Chairman at retired Judge Felix P. Reyes ang mga alegasyon na siya umano ang tumatayong “fixer” sa kaso ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang, kaugnay ng mga nawawalang sabungero.

Paghamon ni Reyes kay whistleblower Julie “Dondon” Patidongan, maglabas ng malinaw at eksaktong ebidensya na magpapatibay sa kanyang mga akusasyon.

Ayon sa PCSO Chairman, kung walang maipapakitang pruweba si Patidongan, mas makabubuting manahimik na lamang ito at huwag basta-basta magbitaw ng mga mapanirang pahayag.

Naniniwala rin si Reyes na nagkataon lamang, o isang “rare coincidence,” ang timing ng pagputok ng isyu, kasabay ng pagsusumite niya ng aplikasyon para sa posisyon sa Office of the Ombudsman.

Matatandaang inakusahan ni Patidongan si Reyes, kasama ang ilang prosecutors at judges, na umano’y sangkot sa “case-fixing” kaugnay sa pagkakadawit ni Ang sa missing sabungeros case.

About The Author