dzme1530.ph

Revised K-10 curriculum ng DepEd, suportado ni PBBM

Sang-ayon si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa ipinakilalang K to 10 curriculum ng Department of Education.

Ayon sa Pangulo, mahalaga ang pagsasaayos sa curriculum upang maiayon ito sa pangangailangan ng kabataang Pilipino.

Kasama na rin dito ang pagpapaganda sa imahe ng edukasyon ng Pilipinas sa international community, lalo na sa Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) subjects.

Sa pamamagitan nito ay mabibigyan din ng pagkakataon ang mga 10th grader na magpasiya at mamili kung sila ay kukuha ng vocational o technical training courses.

Samantala, sinabi naman ni Vice President at Education Sec. Sara Duterte na ang K to 10 curriculum ay magsisilbing legasiya ng administrasyong Marcos sa basic education.

Matatandaang sa ilalim ng “Matatag” K-10 curriculum, inalis na ang kinder 2, at tututok ito sa limang foundational subjects tulad ng language, reading and literacy, mathematics, makabansa, at good manners and right conduct. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author