Naghain ang Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) ng revised na implementing rules and regulations (IRR) para sa pagpapatupad ng Anti-Bullying Act of 2013 sa mga paaralan.
Layun ng revised IRR ang pagpapatupad ng mas epektibo at proactive na hakbang laban bullying sa mga paaralan, tugunan ang mga kabiguan sa kasalukuyang implementasyon ng batas at makapagbigay ng komprehensibong updates para mas maprotektahan ang mga mag-aaraol.
Ibinatay ang rekomendasyon sa kakulangan ng mga guidance counselors sa bansa, kawalan ng tauhan ng Child Protection Committees sa mga paaralan, at underreporting o hindi paguulat ng mga paaralan ng mga nagaganap na bullying incidents dahil sa impluwensya ng reward system sa mga eskwelahan na may zero bullying cases.
Sa ilalim ng revised IRR, bibigyang tungkulin ang Learner Rights and Protection Office (LRPO) na mangangalaga sa mga ulat ng bullying sa mga paaralan at titiyak sa sistematikong implementasyon ng mga polisiya laban sa bullying.
Ilan pa sa mungkahi ay ang integration ng mga guidance at school counselor associates sa mga paaralan, ppagtatalaga ng discipline officer sa bawat eskwelahan na siyang responsable sa pagpapatupad at pagsunod sa mga polisiya at pagsiguro na may sapat na kakayahan at resources ang mga paaralan para pondohan ang pagsasanay at access ng mga estudyante sa counselling services. —ulat mula kay Dang Garcia