dzme1530.ph

Revenue target ngayong taon, inaasahang malalampasan ng gobyerno

Positibo ang Department of Finance na malalampasan ng gobyerno ang revenue target ngayong taon, na iniuugnay sa mas mataas na koleksyon sa nakalipas na limang buwan.

Sa datos ng kagawaran, pumalo sa P1.592-T ang koleksyon noong January hanggang May 2023, mas mataas ng 10.83% kumpara sa P1.437-T na nakolekta sa kaparehong panahon noong 2022.

Inaasahan naman ng Development Budget Coordination Committee na aabot sa P3.73-T ang revenue ng gobyerno ngayong taon.

About The Author