dzme1530.ph

Resort sa Chocolate Hills, may building permit mula sa PAMB – LGU

Iginiit ng lokal na pamahalaan ng Sagbayan, Bohol na inisyuhan nila ng building permit ang kontrobersyal na resort sa loob ng Chocolate Hills protected area, makaraang maglabas ng clearance ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) upang bigyang daan ang konstruksyon nito.

Ikinatwiran ng Sagbayan Government na mayroong presumption of regularity sa clearance na inisyu ng Protected Area Management Board (PAMB), ang ahensyang inatasan ng DENR na mangasiwa sa protected areas, kaugnay ng pagtatayo ng Captain’s Peak Garden and Resort.

Sa impormasyon mula sa bohol provincial government, 2018 nang ma-secure ang clearance mula sa PAMB habang naging operational ang kontrobersyal na resort noong 2019 bago tumama ang COVID-19 pandemic.

Samantala, August 2023 nang hilingin ng provincial government sa DENR na aksyunan ang naturang usapin kasunod ng imbestigasyon ng provincial board.

Gayunman, simula noong Setyembre ay wala umanong narinig na update mula sa ahensya hanggang sa pumutok na ang kontrobersiya na nakapukaw sa atensyon ng publiko.

About The Author