dzme1530.ph

Resolution para i-dismiss ang impeachment case vs VP Sara, hindi maaaring aksyunan ng Senado bilang legislative body

Loading

Hindi maaaring aksyunan ng Senado bilang legislative body ang anumang resolusyon na hihiling ng pagbasura sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito ang pahayag ni Senator-elect Panfilo “Ping” Lacson bilang reaksyon sa ipinapaikot na draft resolution ng tanggapan ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa para sa de facto dismissal ng impeachment case.

Sinabi ni Lacson na ang pinakamainam na opsyon para sa impeachment trial ni VP Sara ay ang pag-crossover nito sa 20th Congress, kung saan kikilos ang Senado bilang impeachment court.

Binigyang-diin ng magbabalik na senador na ang Senado bilang impeachment court ang maaaring magdesisyon sa kaso.

Bagama’t hindi na posible na gawin ang impeachment trial sa 19th Congress dahil sa kakulangan ng oras, hindi naman anya tali sa time constraint ang Senado bilang isang impeachment court.

Binanggit ni Lacson ang punto ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III sa pagtukoy sa kaso ng Pimentel vs Joint Congressional Hearing noong 2004, kung saan lumalabas na ang Senado bilang impeachment court ay iba sa Senado bilang legislative body.

Nang tanungin kung pwedeng aktuhan ng Senado ang resolusyon na hindi na mag-convene bilang impeachment court, giit ni Lacson na maaari itong subukan subalit maaari itong kwestyunin sa Korte Suprema.

About The Author