dzme1530.ph

RESOLUSYON PARA SA AD HOC COMMITTEE PARA TUGUNAN ANG HAMON NG TENSYON SA MIDDLE EAST, INAPRUBAHAN NG SENADO

Loading

INAPRUBAHAN ng Senado ang Senate Resolution 350 na naglalayong bumuo ng isang ad hoc committee para tugunan ang mga hamon na dulot ng umiigting na tensyon sa Middle East.

 

Pamumunuan ito ni Senate Committee on Finance Chairman Sherwin Gatchalian.

 

Sa ilalim ng resolusyon, inaatasan ang kumite na magsagawa ng mga pagdinig para makapaglatag ng mga hakbang upang matugunan ang epekto ng gulo sa gitnang silangan, lalo na sa sektor ng langis.

 

Bubuo ang ad hoc committee ng malinaw at komprehensibong contingency plan para maiwasan ang posibleng socioeconomic crisis at ‘stagflation’ o ang sabay na pagbagal ng ekonomiya at pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa.

 

Pinagsusumite ang komite ng ulat sa Senado na maglalaman ng kanilang mga obserbasyon at rekomendasyon.

About The Author