![]()
HINDI pa matatalakay sa Senado ang resolution ng Senate Minority Bloc na nagsusulong ng proteksyon sa mga tinukoy ng International Criminal Court na co-perpetrators ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kaso kaugnay sa war on drugs.
Ito ay makaraang mairefer ng plenaryo ng Senado ang resolution sa Senate Committee on Rules ang Resolution Number 307.
Sa Senate Committee on Rules, nireresolba ang mga usapin kaugnay sa panuntunan o patakaran ng Senado.
Sa resolusyon, nais ng siyam na Senate Minority Bloc na ipanawagan ng Senado na bigyang proteksyon ang lahat ng Filipino mula sa extraordinary rendition at bigyan sila ng pagkakataon na dumulog sa mga korte sa bansa sakaling ipaaresto ng ICC at iba pang korte sa ibang bansa.
Iginiit na hindi dapat maulit sa ibang Filipino ang nangyari kay Duterte na isinuko sa ICC.
Nakalagda sa resolusyon ang mga tinukoy na perpetrators ni Duterte sina Senador Bong Go at Ronald Bato dela Rosa.
