Inaprubahan ng Senado ang Senate Resolution 144 na humihiling sa International Criminal Court na isailalim sa house arrest si dating Pangulong Rodrigo Duterte para sa humanitarian consideration.
Sa botong 15 pabor, tatlong tumutol, at dalawa ang nag-abstain, inaprubahan ang resolusyon na iniakda nina Senators Alan Peter Cayetano at Juan Miguel Zubiri.
Kabilang sa mga tumutol sina Senators Bam Aquino, Risa Hontiveros, at Kiko Pangilinan, habang nag-abstain sina Senate President Tito Sotto at Senador Raffy Tulfo.
Hindi naman nakadalo sa botohan sina Senators Chiz Escudero, Pia Cayetano, Lito Lapid, at Camille Villar.
Ipinunto ng minority senators na dapat isaalang-alang ang edad at kalusugan ng dating Pangulo. Pero giit ni Hontiveros, bagama’t mahalaga ang humanitarian consideration, hindi dapat maging special treatment ito.
Dagdag pa ni Pangilinan, kailangang balansehin din ang panawagan para sa house arrest sa harap ng libu-libong biktima ng war on drugs na humihingi rin ng hustisya.