dzme1530.ph

Resignation ni VP Sara Duterte sa DepEd, ‘long overdue’ na ayon kay Castro

Welcome kay Act Teachers Party-List Representative France Castro ang resignation ni Vice President Sara Duterte Carpio bilang Kalihim ng Department of Education (DepEd) at Vice chair ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Ayon kay Castro, “long overdue” o sana mas maaga pa niyang ginawa ang pagbibitiw upang makapili talaga si President Bongbong Marcos Jr. ng tamang tao na mamumuno sa DepEd na alam ang ginagawa.

Ayon pa sa ACT Teachers, nasayang ang mahigit dalawang taon para ayusin ang agad ang Education Crisis sa bansa, benepisyo at sahod ng mga guro.

Sa pagbitiw nito sa NTF-ELCAC, umaasa rin si Castro na tuluyan nang ia-abolish ang tinawag nitong ‘red-tagging agency’ na ginamit lamang na kasangkapan ng estado para labagin ang human rights at pagpapakalat ng fake news.

Inaasahan na rin ni Castro na ang pagkalas ni Vice President Sara Duterte sa gabinete ay simula na rin ng “open war” sa pagitan ng kampo ni Pangulong Bongbong Marcos Jr at mga kaalyado nito.

About The Author