dzme1530.ph

Rescue sa mga tripulante na binomba sa Red Sea, inaayos na

Nakikipag-ugnayan ang gobyerno ng Pilipinas sa United Kingdom Maritime Trade Operations upang madala sa bansang Djibouti ang Filipino seafarers mula sa MV Tutor Ship na inatake ng Houthi rebels sa Red Sea at Gulf of Aden.

Sa isang video message, inihayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ginagawa na ng pamahalaan ang lahat nang maaaring gawin.

Sinabi ni Marcos na sakaling madala ang mga tripulanteng Pinoy sa Djibouti ay aayusin kaagad ang pagpapauwi sa kanila sa Pilipinas.

Sa ngayon ay patuloy ang paghahanap ng tulong ng Pilipinas sa mga kaibigang bansa para mailigtas ang mga tripulante.

About The Author