dzme1530.ph

Requiem Mass para kay Pope Francis, itinakda ng mga Simbahan ngayong Martes

Loading

Inanunsyo ng mga simbahan sa iba’t ibang bahagi ng bansa ang pag-aalay ng requiem mass para kay Pope Francis, ngayong Martes.

Kabilang sa mga nagtakda ng misa ang Albay Cathedral, mamayang 5:30pm.

Gayundin ang Immaculate Conception Cathedral of Cubao, mamayang 6:00pm; Manila Cathedral, mamayang 9:00am; at San Roque Cathedral sa Caloocan, mamayang 12:00nn.

Pumanaw si Pope Francis, ang unang Latin American leader ng Simbahang Katolika, sa edad na 88, kahapon.

Sumakabilang buhay ang Santo Padre, isang araw makaraang muling masilayan ng publiko matapos ma-discharge noong March 23 mula sa mahigit isang buwan na pananatili sa ospital dahil sa pneumonia.

Noong Easter Sunday ay pumasok si Pope Francis sa St. Peter’s Square sa pamamagitan ng open-air pope mobile, na labis na ikinatuwa ng mga deboto.

Nagbigay din ang Santo Papa ng special blessing sa unang pagkakataon, simula noong Pasko.

About The Author