dzme1530.ph

Report sa ₱105-M “ghost” farm-to-market road projects, isinumite na ng DA kay Pangulong Marcos

Loading

Isinumite na ng Department of Agriculture (DA) kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang resulta ng kanilang initial audit sa mga farm-to-market road (FMR) projects.

Ayon kay DA Spokesperson, Assistant Secretary Arnel de Mesa, natuklasan sa isinagawang audit na pitong FMR projects sa Davao Occidental ang idineklarang kumpleto, subalit wala namang kalsada.

Aniya, ang pitong “ghost” FMR projects ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang ₱105 milyon, na umano’y isinagawa mula 2021 hanggang 2023.

Idinagdag ni De Mesa na sumentro ang audit ng DA sa mga FMR projects na iniulat na kumpleto na, ngunit hindi naman makita sa aktuwal.

Bukod kay Pangulong Marcos, nagbigay din ang DA ng kopya ng kanilang initial audit findings sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

About The Author