Reporma sa PhilHealth, dapat ipagpatuloy, ayon sa isang senador

dzme1530.ph

Reporma sa PhilHealth, dapat ipagpatuloy, ayon sa isang senador

Loading

Nanindigan si Senador Christopher “Bong” Go sa pangangailangang ipagpatuloy pa ang mga reporma sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

Ito ay upang matiyak na tunay na makikinabang ang lahat ng Pilipino, lalo na ang mga mahihirap at nasa laylayan ng lipunan, sa mas maayos at abot-kayang serbisyong pangkalusugan.

Partikular na binigyang-diin ni Go ang suporta niya sa pinalawak na benepisyong para sa mga pasyenteng sumasailalim sa kidney transplant.

Sa ilalim ng bagong pakete, tumaas ang financial coverage ng PhilHealth para sa kidney transplant mula ₱600,000 tungo sa ₱2.1-M.

Itinaas din ang suporta sa dialysis na halos umabot sa ₱1-M kada pasyente, na ngayo’y kasama na ang mga pangunahing laboratory tests at maintenance medicines, mga gastos na karaniwang pasanin ng mga pamilya.

Bilang Chairperson ng Senate Committee on Health, ikinatuwa ni Go ang hakbangin ngunit iginiit na kailangang matiyak ang maayos na pagpapatupad ng batas sa komunidad.

About The Author