dzme1530.ph

Repatriation sa mga Pinoy sa Gaza, pinabibilisan pa sa gobyerno

HINIMOK ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang gobyerno na pabilisin pa ang repatriation sa mga Pinoy sa gitna ng patuloy na umiinit na sitwasyon sa Gaza.

Iginiit ni Go na dapat tiyakin ng gobyerno ang kaligtasan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na naiipit sa crossfire sa Gaza.

Nababahala rin ang Chairman ng Senate Committee on Health sa kalusugan at kaligtasan ng mga Pilipino sa iba’t-ibang bansa na nahaharap din sa krisis.

Dahil dito, umapela si Go sa Department of Migrant Workers, Department of Foreign Affairs at sa Philippine Overseas Employment Administration na iprayoridad ang accounting, protection, at repatriation ng mga OFWs sa mga conflict zones.

Iginiit ng senador na dapat kumilos ang gobyerno nang may urgency at gamitin ang lahat ng resources para sa kaligtasan ng mga Pinoy.
Bukod dito, binigyang-diin din ni Go ang kahalagahan ng reintegration programs para sa mga repatriated OFWs.

-Ulat ni Dang Samson-Garcia

About The Author