Inaasikaso na ng Department of Migrant Workers (DMW) ang mga dokumento para sa agarang pagpapauwi ng labi ng isang Pinay na nasawi at sa asawang OFW nito na kritikal ang kondsiyon dahil sa sunog sa isang gusali sa Sharjah, UAE.
Ayon kay DMW Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac, 13 Pinoy ang naapektuhan sa sumiklab na sunog sa Sharjah Tower sa UAE noong nakaraang linggo.
Sinabi ni Cacdac, sa naturang bilang, 10 ang Overseas Filipino Workers, isa ay asawa ng OFW at dalawa rito ay mga anak nito.
Sa kasawiang-palad nasawi ang isang Pinay habang nasa kritikal na kondisyon ang asawa nito, ngunit nailabas na rin sa ospital.
Kasalukuyang nananatili sa isang hotel ang iba pang Pilipino na naapektuhan sa sunog.