Naghahanda na ang Philippine officials sa Canada para sa repatriation ng mga nasawing Pilipino sa pag-atake sa isang street festival sa Vancouver noong April 26 na ikinamatay ng 11 katao.
Inihayag ni Philippine Ambassador to Ottawa Maria Andrelita Austria, na mino-monitor din nila ang kalagayan ng mga Pinoy na kabilang sa mga nasugatan, makaraang araruhin ng isang sasakyan ang mga nagdiriwang sa Lapu-Lapu Block Party.
Tiniyak din ng opisyal ang ipagkakaloob na tulong ng pamahalaan sa mga apektadong pamilya.
Hindi naman pinangalanan ni Austria ang mga biktima o kung lahat ng mga nasawi ay mga Pilipino o Filipino-Canadians.