![]()
Plano ng Department of Public Works and Highways na gawing 24/7 ang repair work sa kahabaan ng EDSA sa panahon ng Holy Week upang mapabilis ang pagtatapos ng proyekto.
Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, ang target nila ay matapos ang pagkukumpuni sa kalsada sa Mayo at makumpleto ang sidewalk improvement sa July 2026.
Sinabi ni Dizon na hihingi sila ng permiso mula sa Metropolitan Manila Development Authority para sa 24/7 na trabaho dahil wala naman masyadong tao kapag Semana Santa.
Sa ngayon, nagpapatupad ng reblocking at asphalt laying ang DPWH sa EDSA mula 10pm hanggang 4am lamang upang maiwasan ang abala sa trapiko.
Nasa 50 percent na ang first phase ng rehabilitation mula sa Roxas Boulevard hanggang EDSA Orense sa Makati na sinimulan noong December 24, 2025.
