dzme1530.ph

Rep. Zaldy Co, nasa Amerika para sa medical treatment

Loading

Kinumpirma ni Atty. Princess Abante, spokesperson ng Kamara de Representantes, na nasa Amerika si Ako Bicol Party-List Rep. Zaldy Co.

Sa isang pulong balitaan sa Kamara, sinabi ni Atty. Abante na ang mambabatas ay nasa Amerika para sa medical treatment, wala naman itong ibinigay na detalye tungkol sa uri ng gamutan na tinatanggap ni Co.
Aniya, mayroong travel documents ang mambabatas mula sa Kamara.

Si Co, dating chairman ng Committee on Appropriations sa nakalipas na 19th Congress, ay naging kontrobersyal dahil sa isyu ng insertions sa 2025 National Budget.

Nababanggit din ang pangalan nito sa isyu ng flood control projects, partikular sa Sunwest Construction, kumpanya na kabilang sa 15 construction companies na isinapubliko ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na sinasabing nakakuha ng maraming malalaking proyekto sa gobyerno, lalo na sa ilalim ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

About The Author