dzme1530.ph

Rep. Villar, wala sa campaign rally ng Alyansa sa Lucena City

Loading

Kasunod ng pagtiyak na bahagi pa rin ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas si Las Piñas Rep., Deputy Speaker Camille Villar, inihayag ng kampo nito na hindi ito dadalo sa campaign rally sa Lucena City.

Ang campaign rally sa Quezon Province ay pinangunahan ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Hindi naman kinumpirma ng kampo ni Villar kung kunektado ang hindi pagdalo ng kongresista sa naunang direktiba ni Pangulong Marcos na imbestigahan ang PrimeWater Company na pag-aari ng pamilya Villar.

Una nito sinabi ni Alyansa campaign manager Rep. Toby Tiangco ng Navotas, na kabilang pa rin ang batang Villar sa 11-man senate slate ng administrasyon.

Pero paglilinaw ni Tiangco, sinusuportahan nila ang utos ng Pangulo.

Aniya may public clamor sa mga lugar na siniserbisyuhan ng Primewater na imbestigahan sila dahil sa palpak na serbisyo na dapat tugunan.

About The Author