Hinimok ni Deputy Speaker Camille A. Villar ang gobyerno na maglunsad ng programa para mahikayat ang marami na pasyalan ang magagandang tourist sites sa bansa.
Sa kanyang House Bill No. 10349, o ang proposed “PWD and Senior Citizen-Friendly Tourism Sites Act,” nais nitong maging friendly at accessible sa mga may kapansanan at nakatatanda ang mga pasyalan sa bansa.
Kumbinsido si Villar na kapag lumakas ang turismo, magdadala ito ng kabuhayan at oportunidad, makikilala ang local products na makakadagdag sa economic growth.
Hindi aniya dapat limitahan ang access sa turismo kahit ano pa ang kondisyong pisikal.
Pinatutuunan nito ng pansin ang kakulangan ng travel at tourism facilities, services at discriminatory policies and practices na nagiging balakid sa pamamasyal ng seniors at PWDs.
Ang HB 10349 ayon kay Villar ay pagsunod din sa UN Convention on the Rights of Person with Disabilities, na pormal ng in-adopt sa UN General Assembly noong December 2006 at niratipikahan naman ng Pilipinas noong April 15, 2008.