dzme1530.ph

Rep. Tiangco dismayado sa tila pagtatakip ng House Infra Comm

Loading

Tahasang sinabi ni independent Cong. Toby Tiangco ng Navotas na tila pagtatakip lamang ang kinalalabasan ng pagdinig ng House Infrastructure Committee.

Dismayado si Tiangco dahil hindi agad makapagdesisyon ang tri-comm na ipatawag si Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Una nang hinamon ng mga kongresista si Magalong na humarap sa Kamara at pangalanan ang mga tinutukoy nitong “cong-tratista” na umano’y kumukuha ng porsyento. Malugod namang tinanggap ni Magalong ang hamon.

Sa manifestation ni Tiangco, hinimok niya ang mga mambabatas na pormal nang ipatawag si Magalong.

Ngunit sagot ng komite, gagawin ito “sa tamang panahon,” dahilan ng labis na pagkadismaya ni Tiangco na nauwi sa kanyang pag-alis sa hearing.

About The Author