dzme1530.ph

Rep. Suntay, hindi sang-ayon sa mungkahi ni Sen. Lacson na i-adopt na lang ang NEP

Loading

Hindi sinangayunan ni Quezon City 4th Dist. Rep. Jesus ‘Bong’ Suntay ang mungkahi ni Sen. Ping Lacson na i-adopt na lamang ng Kongreso ang 2026 National Expenditure Program o NEP.

Ayon kay Suntay, na Deputy Minority Leader ngayong 20th Congress, sang-ayon siya na alisin ang insertion sa national budget, subalit hindi tama na tanggalin sa Kongreso ang kapangyarihang suriin ito.

Aniya, hindi nangangahulugang magiging malinis sa katiwalian ang budget kung ia-adopt ang NEP.

Tahasan din nitong sinabi na sa mismong DPWH ay may sindikato mula sa district engineers hanggang regional directors na naglalagay ng budget sa mga project na nakapaloob sa NEP.

Isa sa puwedeng gawin, ani Suntay, ay alisin ang small committee at gawin ang lahat ng amendments sa national budget sa open hearing at debate.

About The Author