dzme1530.ph

Rep. Romulo: Mayorya ng mambabatas, pabor ibalik ang “Old” School Calendar

Kinumpirma ng Department of Education na naisumite nila sa Palasyo ng Malacañang ang detalye ng planong ibalik sa June-March ang school calendar sa bansa.

Sa hearing ng House Committee on Basic Education and Culture, humingi ng update si Rep. Roman Romulo bilang chairman ng komite ukol sa naturang plano.

Ayon kay DepEd Dir. Leila Areola, gradual shift ng school calendar mula sa pre-pandemic era ang tinatrabaho ngayon ng Kagawaran.

Dahil sa dami ng panawagan, inaaral ng Dep-Ed ang iba’t ibang opsyon para mapabilis ang proseso, mula sa dating 5-year gradual period ay ibinaba na ito sa 2-year period.

Lahat aniya ng opsyon ay inipon at naisumite na sa Office of the President, at hinihintay na lamang ang desisyon at input ni Pang. Ferdinand Marcos Jr..

Inamin ni Romulo na mayorya ng mga mambabatas ay pabor na ibalik agad ang school calendar sa orihinal nitong panahon, at hindi sa 5-year plan ng DepEd.

About The Author