Photo Courtesy | House of Representatives
Naniniwala si House Speaker Martin Romualdez na magiging mabilis ang pagpasa ng senado sa panukalang Maharlika Investment Fund (MIF) na mabilisang naipasa ng mababang kapulungan noong Disyembre 15, 2022.
Ayon kay Romualdez, posibleng pagkatapos ng Holy Week Break ng Kongreso ay aprubahan na ng Senado ang panukalang batas.
Sa nakikita ni Romualdez, nagustuhan ng mga Senador ang draft ng proposed MIF at maari pa nila itong pagandahin at ayusin ng husto.
Dagdag pa ni Romualdez, kapag naisakatuparan ang MIF, magiging parang magnet ito na hahatak sa mga mamumuhunan sa Pilipinas.