dzme1530.ph

Rep. Ridon, pinasalamatan ang pagpapatigil sa impounding ng e-bikes, e-trikes

Loading

Pinasalamatan ni Bicol Saro Rep. Terry Ridon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., DOTr Sec. Giovanni Lopez, at LTO Chief Markus Lacanilao sa pagsususpindi ng impounding operations ng e-trike at e-bike.

Ayon kay Ridon, magandang hakbang ang isang buwang suspensyon ng paghuhuli sa light electric vehicles (LEVs) para makapaghanda ang mga may-ari sa bagong patakaran.

Una nang sinabi ng Pangulo na bukod sa kakulangan ng sapat na impormasyon, masyado ring mataas ang P1,500 multa na ipapataw sa mga lalabag.

Siniguro ni Ridon na ang Kongreso ay handang makipagtulungan sa transport agencies at apektadong sektor para linawin at pasimplehin ang proseso ng LEV registration at pagkuha ng lisensya ng mga gumagamit nito.

Ilan sa mungkahi ni Ridon ay ang pagpaparehistro ng lahat ng LEVs na may bigat na 50 kgs pataas, bago man o luma.

Kabilang din ang pagkakaroon ng driver’s license para sa mga magmamaneho ng LEVs na 50 kgs ang bigat, at pagsasailalim sa mandatory seminar on road safety para sa lahat ng bibili ng LEVs, ano man ang bigat nito.

About The Author