Humingi na ng tawag sa mga mamamahayag si Leyte 4th District Rep. Richard Gomez.
Kaugnay ito sa pag-alma ng mga mamamahayag ng i-post ni Gomez sa social media ang screenshots at numero ng media personality at organizations na humihingi ng kanyang panig sa isyu ng nasirang flood control sa Matag-ob, Leyte.
Sa privilege speech, nag-sorry si Gomez at inamin na sana ay dinala niya ang sitwasyon sa tamang paraan.
Nauunawaan niya umano ang pagsusumikap ng media na kunin ang kanyang panig o reaksyon ukol sa mga naging alegasyon laban sa kanya.
Sa kaniyang talumpati sinabi rin nito na inalis na niya ang screenshots ng sensitibong impormasyon.
Bukod sa National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), naglabas din ng manifesto ang House media at kinukondena ang walang basehang paratang o insinwasyon ni Gomez na nabayaran ang mga mamamahayag na kumukuha ng kanyang panig dahil sa magkakatulad na mensahe.