dzme1530.ph

Rep. Panaligan pinabulaanan ang paratang sa kanya kaugnay ng flood control projects

Loading

Pinabulaanan ni Oriental Mindoro Rep. Arnan Panaligan na siya ang proponent ng mga kwestyunable at substandard na flood control projects na tinukoy ni Sen. Ping Lacson sa isang privilege speech.

Ayon kay Rep. Panaligan, ang mga flood control projects sa Naujan, Baco at iba pang munisipalidad sa Oriental Mindoro ay DPWH lahat ang tumukoy o nag-identify.

Paliwanag nito, nakalista na sa NEP ang mga proyekto ng dumating ito sa Kongreso na siya namang inaprubahan at kalaunan ay naging General Appropriations Act.

Naglabas ng sulat si Panaligan na address kay DPWH Sec. Manuel Bonoan na ang petsa ay July 31, 2024, para ireport at ireklamo ang mga palpak na flood control projects.

Sa sulat pinapa-re-assess at re-evaluate nito kay Bonoan ang mga nasirang proyekto, at kung tugma ito sa structural integrity at effectiveness.

Handa namang harapin ni Panaligan si Lacson o kaya ay mag deliver din ito ng privilege speech para sagutin ang mga paratang ng senador at ipaliwanag din ang kanyang panig.

About The Author