Naghain na rin si Marikina 1st District Rep. Maan Teodoro ng Certificate of Candidacy para sa pagka-alkalde ng Marikina City.
Ayon kay Cong. Maan, hangad nitong maipagpatuloy ang mga programang sinimulan ng kaniyang asawa na si Mayor Marcy Teodoro.
Tulad ng pagbibigay suporta sa small and medium enterprises, at pagpapaigting ng implementasyon ng ease of doing business na makapaghihikayat ng maraming negosyo sa siyudad.
Inihayag din nito ang kaniyang commitment na gawin ang Marikina bilang isang climate-resilient city, mapahusay ang sistema ng transaksyon sa government offices ng lungsod sa tulong ng digitalization na makapaghahatid ng mas marami pang serbisyo sa mga residente.
Makakatandem ni Teodoro si incumbent Vice Mayor Marion Andres sa ilalim ng Team Marikina City.
Inaasahang magpalit naman ng puwesto si incumbent Mayor Marcy Teodoro at Cong. Maan na isasabak bilang kongresista ng District 1 at Donn Carlo Favis para sa District 2.
Sa unang distrito, pambato ng partido sa konsehal sina Kate De Guzman, Cloyd Casimiro, Jojo Banzon, Pat Sicat, Rossette Sarmiento, Adams Bernardino, Hazel Golangco, at Ginny Santos Pioquinto.
Habang sa District 2, suportado ni Teodoro sa pagka-konsehal sina Angel Nuñez, Larry Punzalan, Fe Dayao, Jaren Feliciano, Michael Mojica, Bogs Reyes, Estelita Makiramdam, at Elvis Tolentino.