dzme1530.ph

REP. LEANDRO LEVISTE – LAWAK NG KORAPSYON

Loading

Sa isang media statement na inilabas ni Batangas 1st Dist. Rep. Leandro Leviste sa kanyang Facebook page, kinumpirma nito na nakapaghanda na siya ng videos kaugnay sa lawak ng kurapsyon sa DPWH. 

 

Sinabi rin Leviste na higit pa sa kontrobersiyal na Cabral files na kanya hawak ang ebidensyang nagpapakita ng pagtanggap ng kickbacks. 

 

Sa tamang panahon lalabas umano ang ebidensya sa kickbacks. 

 

Aniya, kapag nailabas ang ebidensyang hawak niya, mauunawaan ng publiko kung bakit siya inaatake, at bakit siya pinayuhang hindi pa ito ang tamang panahon para ilabas ito. 

 

Umaasa rsi Leviste na magbabahagi rin ng katotohanan sina Manuel Bonoan at Roberto Bernardo, mga dating opisyal ng DPWH maging ang mga kasalukuyang opisyal ng kagawaran. 

 

Binanggit sa statement na sana, wala nang testigo ang matatag-puang patay, nahulog sa bangin, o mapatahimik. 

 

Una nang isiniwalat ni Leviste na hindi niya gustong mag-abroad, subalit may ilang representate ang adminstrasyon na hindi naman nito pinangalanan na kinausap ang kanyang ina, si Sen. Loren Legarda para paalisin siya upang matigil ang pagsisiwalat nito sa Cabral files.

About The Author