Kinumpirma ni Cavite 4th District Rep. Kiko Barzaga ang kanyang pagbibitiw sa National Unity Party (NUP) at sa pagiging assistant majority leader.
Paliwanag ni Barzaga, umalis siya sa NUP dahil umano sa paninira ng kasamahan din sa partido.
Pinapakalat umano nito na nangangalap siya ng pirma para patalsikin si House Speaker Martin Romualdez, bagay na mariin nitong pinabulaanan.
Gayunman, naniniwala ang kongresista na dapat ding siyasatin si Romualdez kaugnay ng flood control anomaly. Aniya, mahirap paniwalaang hindi sangkot ang Speaker sa ganoong kalaking isyu.
Dahil dito, magiging independent minority si Barzaga.