Pinuna ni Iloilo 1st District Representative Janette Garin ang umano’y mabagal na pagkilos ng Department of Health (DOH) sa paghahanda at pamamahagi ng gamot laban sa leptospirosis.
Ayon kay Garin, dapat ay mas malinaw at mas agresibo ang aksyon ng ahensya laban sa sakit, lalo’t ito ay “preventable” kung may maayos na sistema.
Binigyang-diin din ng mambabatas na ang doxycycline, na ginagamit para maiwasan ang leptospirosis, ay dapat nakalagay sa mga paaralan at lokal na pamahalaan, at hindi lang nakaimbak sa central o regional offices.
Dagdag pa ni Garin, ang pag-inom ng nasabing gamot ay dapat gawin sa loob ng dalawampu’t-apat hanggang pitumpu’t-dalawang oras matapos ma-expose sa baha.