Ipina-contempt ni ACT-CIS Representative at Deputy Majority Leader Erwin Tulfo ang isang Police General at Coronel, dahil sa patuloy na pagsisinungaling.
Sa hearing ng Committee on Public Order and Safety, pinatawan ng contempt sina Police Brigadier General Roderick Mariano, former Director ng Philippine National Police-Southern Police District at Police Colonel Charlie Cabradilla, former head ng SPD Comptroller.
Sina Mariano at Cabradilla ay pawang immediate superiors ng mga pulis na sangkot sa unlawful arrest, arbitrary detention at robbery ng apat na Chinese nationals sa Paranaque noong September 2023.
Driver-bodyguard ng 4 na Chinese national na dinukot ng mga pulis, sumuko.
Agad na sinuportahan nina Rep. Romeo Acop ng Antipolo City, 1-Rider Rep. Bonifacio Bosita at Abang Lingkod Rep. Joseph Stephen Paduano ang mosyon ni Tulfo.
Una nang na-cite for contempt ang anim na Police officer dahil din sa pagsisinungaling kabilang sina PLTCOL Jolet Guevarra, PMAJ Jason Quijada, PMAJ John Patrick Magsalos, PSSG Roy Pioquinto, PSSG Mark Democrito, at PSSG Danilo Desder.
Ang mga police officers na sangkot ay tatagal ng 30 na araw sa Batasan detention facility.
–Sa panulat ni Ed Sarto, DZME News