dzme1530.ph

Rep. Erwin Tulfo nais paimbestigahan ang pagbibigay special visas at delayed birth registration

Pinasisilip sa Kamara ni Congressman Erwin Tulfo ng ACT-CIS ang proseso sa pagbibigay ng Special Resident Retiree’s Visa (SRRV), Special Investor’s Resident Visa (SIRV), at Delayed Registration ng kapanganakan na posibleng dahilan ng pagdami ng Chinese nationals sa bansa.

Ayon sa ulat ng Philippine Retirement Authority (PRA) sa 79,000 Foreign retirees na nasa Pilipinas, mahigit 30,000 nito ay Chinese nationals na pinayagang manirahan sa bansa.

Ang nakakaalarma nito ay simula noong 1991, tinatanggap ng PRA ang isang retirees na 35 years old pa lamang, habang nito lamang 2021 ay itinaas ito sa limampung taong gulang.

Ayon kay Tulfo, ang pagdagsa ng mga Chinese nationals sa Pilipinas ay may epekto sa Socio-Economic Impact, Labor Market Dynamics at higit sa lahat sa National Security at sa isyu ng Public Order.

Nababahala ang Deputy Majority Leader dahil maraming krimen tulad ng human trafficking, scamming, kidnapping, illegal detention, prostitution at iba pang fraudulent practices ang kinasasangkutan ng mga Chinese nationals sa mga POGO Hubs.

Malinaw aniya na masyado nang naabuso ang pag-iisyu ng SRRV at SIRV, idagdag pa ang late registration ng mga dayuhang ipinalalabas na dito sila ipinanganak sa Pilipinas.

About The Author