dzme1530.ph

Rep. De Lima nanawagan ng total ban sa online gambling

Loading

Mariing nanawagan si Mamamayang Liberal Party-list Rep. Leila de Lima ng total ban sa online gambling sa lahat ng platforms.

Tanong ng kongresista, kailangan pa bang hintayin ng pamahalaan na mas marami pang buhay at pamilyang Pilipino ang masira bago tuluyang ipagbawal ang online sugal?

Giit ni De Lima, mahirap nang kontrolin ang online gambling dahil sa mas malawak na access ng publiko sa teknolohiya.

Dahil dito, iginiit niya na dapat nang pabilisin ang pagpasa ng batas na magpapatupad ng total ban sa online sugal sa buong bansa.

Ang panawagang ito ay kasabay ng nakaambang imbestigasyon ng Senate Committee on Games and Amusement kaugnay ng patuloy na paglaganap ng online gambling sa Pilipinas.

About The Author