dzme1530.ph

Rep. Dalipe umaasa na gaganda ang ‘level of discussion’ ng Senado sa RBH No. 6

Umaasa si Zambuanga City Representative at Majority Floor Leader Mannix Dalipe, Jr. na mas lalong gaganda ang ‘level of discussion’ sa constitutional economic amendments sa gagawing pagtalakay ng Senado sa RBH No. 6.

Ikinatuwa ng lahat ng partido sa Kamara gaya ng Lakas–Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), Nationalist People’s Coalition (NPC), Nacionalista Party (NP), National Unity Party (NUP) at Partylist Coalition Foundation ang pagbubukas ng isipan ng mga senador sa kanilang RBH No.6.

Inaasahan ni Dalipe na matutupad ng senado ang timeline na ibinigay ni Senate President Miguel Zubiri na tatapusin nila ang pagtalakay sa Economic ChaCha sa buwan ng Marso.

Sa panig ni NPC Congressman Jack Duavit, masaya umano siya dahil magkakaroon na ng totoong debate sa opisyal na kapasidad ng Kongreso.
Anoman aniya ang kahinatnan nito, makikita sa official records ang lahat ng kanilang pangalan at naging paninindigan sa napakahalagang isyu na kinabukasan ng bansa ang nakataya.

–Sa panulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author