dzme1530.ph

Rep. Dalipe, hinamon si ex-Pres. Duterte na magpakita ng pruweba

Hinamon ni House Majority Floor Leader Mannix Dalipe, Jr. si former President Rodrigo Duterte na magpakita ng pruweba na ang isinusulong nilang constitutional reform ay may nakapaloob na political amendments.

Isiwalat ni Duterte na kaya isinusulong ang Charter Change (ChaCha) dahil plano nilang i-shift ang porma ng gobyerno sa Parliamentary Form dahilan sa ambisyon umano ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez na maging Prime Minister.

Sinopla ito ni Cagayan de Oro City Representative Rufus Rodriguez, Chairman ng Committee on Constitutional Amendments dahil wala aniya itong constitutional basis.

Paliwanag nito, sa People’s Initiative (PI) hindi nito pwedeng palitan ang porma ng gobyerno mula sa Unitary Form tungo sa Federal Form dahil revision na ito ng Saligang Batas.

Sa PI tanging amemdments lamang aniya ang pwedeng gawin, kaya malinaw na itong legal na basehan.

–Sa panulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author