dzme1530.ph

Rep. Benitez, hinimok ang DOJ na protektahan DPWH whistleblowers

Loading

Hinimok ni Bacolod Rep. Albee Benitez ang Department of Justice na agad ilagay sa Witness Protection Program ang mga opisyal at kawani ng DPWH na posibleng magturo ng kurapsyon.

Giit ng kongresista, dapat aktibong hikayatin at protektahan ang mga testigo kung seryoso ang gobyerno sa pagpapanagot sa mga tiwaling opisyal.

Aminado si Benitez na mapanganib ang pagsiwalat laban sa korapsyon, ngunit ito aniya ang dapat ipaglaban upang mabago ang maling sistema sa pamahalaan.

About The Author