dzme1530.ph

Relasyon ni PBBM sa pamilya Duterte, “complicated”

“It’s Complicated.”

Ganito inilarawan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kasalukuyan niyang relasyon sa pamilya Duterte, sa harap ng kaliwa’t kanang patutsada sa kanya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kabila nito, sinabi ni Marcos na walang nagbago sa ugnayan nila ni Vice President at DepEd Sec. Sara Duterte, at katulad pa rin ito ng dati mula noong panahon ng kampanya hanggang sa eleksyon.

Sa ngayon din umano ay si VP Sara ang kanyang pinaka-madalas na nakakausap sa pamilya Duterte, at palagi raw nitong sinasabi na hindi siya nagpapa-apekto sa bangayan at ipagpapatuloy lamang niya ang kanyang trabaho.

Mababatid na ilan sa mga atake ni dating Pangulong Duterte kay Marcos ay tungkol sa umano’y hindi nito pagtatapos ng pag-aaral, umanoy pagiging adik sa iligal na droga, alegasyong pagpapalawig ng termino sa ilalim ng Charter change, at iba pang isyu.

About The Author