dzme1530.ph

Relasyon ng Pilipinas sa mga kaalyadong bansa, dapat palakasin kasunod ng panibagong pambobomba ng China sa mga barko ng BFAR sa WPS

Loading

Muling napatunayan ang pangangailangan na palakasin ng Pilipinas ang relasyon sa mga kaalyadong bansa kasunod ng panibagong insidente ng pambobomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard sa mga tauhan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa West Philippine Sea.

Ito ang binigyang-diin ni Senate President Pro Tempore Jinggoy Estrada kasabay ng pagsasabing wala nang bago sa ginagawa ng Chinese  Coast Guard.

Magreresulta na naman aniya ito sa paghahain natin ng bagong diplomatic protest laban sa China.

Sinabi ni Estrada na nagiging paulit-ulit na ang mga ganitong uri ng insidente kaya’t mas makabubuti kung magiging malakas ang pakikipagtulungan ng Pilipinas sa mga kaalyadong bansa.

Gayunman, sa bandang huli, nasa kamay pa rin aniya ng Malakanyang kung ano ang kanilang magiging aksyon laban sa mga panghaharass ng China.

About The Author