Naniniwala si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi magbabago ang relasyon ng Pilipinas at America, kahit pa muling mahalal na US President ang bilyonaryong si Donald Trump.
Sa interview sa American TV network na Bloomberg, inihayag ng Pangulo na bagamat magkakaroon ng ilang pagbabago, hindi naman nito gaanong maaapektuhan ang PH-US relations.
Ito ay dahil “treaty allies” o magka-alyado naman umano ang dalawang bansa.
Kaugnay dito, sinabi ni Marcos na basta’t mananatiling tapat ang Pilipinas at Estados Unidos sa mga kasunduan, mapapanatili rin ang balanse sa foreign policy.
Inaasahang muling maghaharap sina Trump at US President Joe Biden sa US Presidential elections sa Nobyembre.