dzme1530.ph

Relasyon ng PH at SoKor, ini-angat na bilang strategic partnership

Pinalakas at ini-angat sa strategic partnership ang relasyon ng Pilipinas at South Korea.

Ito ay sa state visit sa bansa ni South Korean President Yoon Suk Yeol, para sa pakikipagpulong kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..

Sa bilateral meeting sa Malacañang, inihayag ng Pangulo na sa patuloy na paglawak ng relasyon ng dalawang bansa, nananatiling masigla ang kanilang kooperasyon sa depensa, seguridad, maritime cooperation, kalakalan, at people-to-people exchanges.

Sinabi pa ni Marcos na sa harap ng mas komplikadong geopolitical environment, kailangang magtulungan upang makamit ang kasaganahan at maitaguyod ang rules-based order alinsunod sa international law.

Umaasa naman ang South Korean leader na ang kanyang pag-bisita ay magsisilbing oportunidad upang mapaigting pa ang kooperasyon sa kalakalan, ekonomiya, at gayundin sa seguridad, digital technology, at enerhiya. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author