dzme1530.ph

REKOMENDASYONG KASUHAN ANG 3 KASAMAHANG SENADOR SA FLOOD CONTROL MESS, PANININDIGAN NI SEN. LACSON

Loading

TINIYAK ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Panfilo Ping Lacson na paninindigan niya ang rekomendasyong kasuhan ang tatlong senador kaugnay sa maanomalyang flood control projects.

 

Sinabi ni Lacson na kasama sa kanilang irerekomendang kasuhan ay sina Senators Joel Villanueva, Chiz Escudero at Jinggoy Estrada kasama rin sina dating Senador Ramon Bong Revilla Jr, dating Cong. Zaldy Co at dating Cong. Mitch Cajayon.

 

Ipinaliwanag ni Lacson na naayon naman sa kasalukuyang mga pangyayari ang kanilang rekomendasyon dahil may mga kaso na ring naisampa sa mga nabanggit na personalidad.

 

Nilinaw naman ni Lacson na pag-uusapan pa nila mamaya ang binabalangkas na report at posibleng may mga mabago pa.

 

Nagbabala pa ang senador na kung ipatatanggal ang pangalan ng mga personalidad sa kanilang rekomendasyon ay hindi na niya iisponsoran ang report.

About The Author