dzme1530.ph

Rekomendasyong ilipat ang Manila Zoo, dinipensahan

Dumipensa si Senate Majority Leader Francis Tolentino sa rekomendasyon niyang ilipat ang Manila Zoo sa Masungi Georeserve sa Baras, Rizal.

Sinabi ni Tolentino na iginagalang niya ang desisyon ni Manila Mayor Honey Lacuna na manatili sa kasalukuyang lokasyon ang Manila Zoo.

Aminado ang senador na mahalaga ang desisyon ng lokal na pamahalaan sa kanyang rekomendasyon dahil ito ang nagpapatakbo sa zoo.

Nanindigan ang senador na maganda ang kanyang intensyon sa rekomendasyon dahil inaalala lamang niya ang kalusugan at kondisyon ng mga hayop.

Hindi rin naman anya dapat ipag-alala ang layo ng lokasyon dahil tiyak na magkakaroon ng railway o iba pang uri ng transportasyon sa lugar.

Nanindigan din si Tolentino na kahit mailipat na ng lokasyon ang zoo ay mananatiling Manila Zoo ang tawag dito katulad aniya ng Manila Boys Town na nasa lungsod naman ng Marikina.

About The Author