dzme1530.ph

Rehabilitasyon sa mga linya ng LRT, hindi pinaglaanan ng pondo sa 2025

Bigo ang Department of Transportation (DoTr) na ma-secure ang budget para sa rehabilitasyon ng LRT Lines 1 at 2 na maaring pakinabangan ng mahigit 400,000 Pilipino na sumasakay ng tren araw-araw.

Ayon kay Transportation Sec. Jaime Bautista, humiling sila ng budget na ₱19.65 billion at ₱9.65 billion para sa rehabilitasyon ng LRT-1 at LRT-2, subalit inalis ang kanilang proposals sa 2025 National Expenditure Program na isinumite sa Kongreso.

Bigo rin ang DoTr na makuha ang approval para sa kanilang request na ₱18.8 billion para sa konstruksyon ng MRT Line 4 na may habang 12.7 kilometers simula Quezon City hanggang Rizal, at paghahatiang pondohan ng Asian Development Bank at Asian Infrastructure Investment Bank.

Bagaman popondohan ng multilateral lenders ang bulto ng project cost, sinabi ng ahensya na gagastos din sila para sa ibang items, gaya ng Right of Way acquisition. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera

About The Author