dzme1530.ph

Rehabilitasyon sa Manila Post Office, target matapos sa loob ng 2-taon

Sisimulan na ngayong taon ang rehabilitasyon ng iconic na Manila Central Post Office na nasunog noong nakaraang taon.

Sinabi ni Postmaster General Luis Carlos na sisikaping makumpleto sa Hulyo ang detalyadong architectural at engineering design.

Target na matapos ang rehabilitasyon sa loob ng dalawang taon, kasabay ng ika-100 Anibersaryo ng makasaysayang gusali.

About The Author