dzme1530.ph

Rehabilitasyon at modernization plan sa NAIA minamadali na ng NNIC

Kinumpirma ni New NAIA Infrastructure Corporation (NNIC) Chairman Ramon Ang, na minamadali na nila ang upgrades sa paliparan bilang bahagi ng rehabilitasyon at modernization plan sa NAIA.

Minamadali na rin nila ang widening sa mga kalsada sa paligid ng NAIA para maiwasan ang pagsisikip sa daloy ng trapiko papasok sa airport.

Nakipag-ugnayan na rin ani sila sa airlines para matiyak ang on-time departures.

Tiniyak din ng NNIC ang kaayusan sa pagdagsa ng mga pasahero sa NAIA terminals at mararamdaman ng mga pasahero ang 50% improvement sa paliparan ngayong Christmas season.

Nagdagdag din ang NNIC ng mga Boarding Bridge sa NAIA at Swing Gates, habang nagpapatuloy ngayon ang renovation sa NAIA T4 na siyang pinakamatandang terminal ng NAIA. —ulat mula kay Tony Gildo, DZME News

About The Author