Kumbinsido si Sen. Joel Villanueva na dapat ibalik na sa National Food Authority ang regulatory functions nito at kapangyarihang bumili at magbenta ng bigas.
Layun nito na maibaba ang presyo ng bigas sa merkado upang maging abot kaya ng mahihirap na Pilipino.
Sa parte naman aniya ng Senado, dapat nang rebisahin ang Rice Tariffication Law upang maamyendahan ang kapangyarihan ng NFA.
Iginiit pa ni Villanueva na dapat mapaigting ang proteksyon sa mga magsasaka na umaaray na sa mababang farmgate prices ng palay at kawalan ng kita.