dzme1530.ph

Regulasyon sa ART, Surrogacy procedure sa Pilipinas, isinusulong ng isang solon

Nais ng isang kongresista na magkaroon ng “Legal Framework” at regulasyon sa “Assisted Reproductive Technology” (ART) at “Surrogacy Procedures” sa bansa.

Ang House Bill 8301 ni Zamboanga City Rep. Khymer Adan Olasco ay nabuo matapos ang ulat ng World Health Organization (WHO) na isa sa sampung mag-asawa ay hirap magkaroon ng anak.

Natuklasan ni Olasco na ang Pilipinas ay wala pang maayos at malawak na legal framework sa ART at surrogacy gayung marami nang procedures ang ginagawa sa bansa.

Sa record ng Philippine Society of Reproductive Medicine (PSRM), nasa 9,000 ART procedures at 50 surrogacy arrangements ang ginawa sa bansa noong 2019.

Lumilitaw na “infertility” ang pangunahing problema ng Pinoy couples na hindi magkaanak, kaya ang ART at surrogacy procedures ang sinasandalan nila para matupad ang pangarap.

Noong 2010, naglabas ng guidelines ang DOH na nag-obliga sa lahat ng ART clinics na magkaroon ng “informed consent, counselling, at support services” sa mga pasyente, gayundin ang pagsiguro sa registration at accreditation nito. —sa ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author